Wednesday, January 20, 2010

ANG ARTIST



"When I got tired, I slept. When I got hungry, I ate. When I had to go, you know, I went. "

-Forrest Gump






Pinangarap ni Jojo na maging isang pintor. Bukod sa palagay nyang hindi sya gaanong matalino upang umabot sa mga quota ng matataas na kurso sa UPCAT. Sumubok sya sa Fine Arts. Sa talent test, pinag-drowing sya ng isang anyo ng tao gamit ang charcoal. Isang detalye mula sa Spoliarium ni Luna ang iginuhit nya. Napansin nyang nakatingin sa kanya ang dean habang gumuguhit sya. Ibinuka pa ni Jojo ang mga hita nya. Kumambyo. Tiningnan nya ang dean at ngumiti. Nakita nya kung paano bumilog ang bibig ng dean na parang titik “o”. Parang nagulat na isang batang babae. Pumasa sa talent test ng Fine Arts si Jojo. Inalok si Jojo ng dean ng isang private scholarship. Tinanggap ito ni Jojo. Sa mga panahong iyon, inosente pa si Jojo. Ang mga tanging kilala nyang bakla sa Baguio ay mga parlorista at ang Boy Scout Master. Hindi nya inaasahang makakakilala sya ng isang taong may mataas na posisyon.

Ang babaeng crush ni Jojo, ay kumukuha rin ng Art Theory class. Maagang pumapasok sa klase si Jojo para makapili sya ng upuan malapit sa gilid nya para makita ni Jojo ang profile nito. Madalas ipatong ni Jojo ang sketchpad at jacket sa harapan nya. Dahil makita lamang nya ang makikinis na braso ng babae, tinitigasan na sya. Makati Girl ang ipinalayaw ni Jojo sa kanya. Hindi nakatira sa Makati ang babae. Pananaw kasi ni Jojo, sosyal at magaganda ang mga babaeng galing Makati. Parang taga-Makati kasi kumilos si Makati Girl.


Nakakatawa, dahil ang kaibigan nyang si Diane Mendoza na nanalo ng Miss Photogenic sa isang beauty contest ay nag-aakalang sya ang gusto ni Jojo. Naniniwala syang ang lahat ng kalalakihan, straight at ilang bakla, ay nagkakagusto sa kanya. Madalas nyang ikuwento na mas marami pa ang mga katulong nila kesa sa bilang ng kanilang pamilya.


"You know, It's so different sa house namin. We have three cooks. Gourmets kasi ang mom and dad ko. Then meron kaming orchid gardener. We have a separate gardener para sa mga ornamental plants namin." Ito ang madalas nyang ikuwento. Parang isang nakakairitang kanta sa videoke. Bawat kataga, humihinto sya sandali. Naghihintay ng reaksiyon mula sa mga kausap nya. Alam nya kasing karamihan sa mga kausap nya ay walang mga maid sa bahay. Hindi rin nya inililihim ang pagnanasa nya kay Jojo.


Habang si Makati Girl ay masarap kausap. Kahit minsan hindi sya narinig ni Jojo na sinisimulan ang bawat pangngusap ng SHIT! Di gaya ng iba na binibigkas pa ito ng SHET! At hindi nya linalagyan ng stress ang FUCK kapag nagkukuwento sya. Di gaya ng iba na halos ipagsigawan ang salitang FUCK para sabihing cool sila. Makikitawa lamang si Makati Girl sa mga kwento at jokes ng iba. Habang pinandidirihan naman ito ng ibang kolehiyala. Hindi rin sya sobrang pormal. Lalong hindi sya sobrang seryoso.
Minsan sa Figure Drawing class, pinagdrowing sila ng life-size nude self-portrait, sya lamang ang tanging gumawa ng full frontal nudity. Kahit ang mga lalaki sa klase ay hindi nagawa. Habang ang iba ay tinakpan ng kamay o itinago sa binaluktot na binti ang kanilang harapan. May kakaibang naramdaman si Jojo habang pinagmamasdan nya kung paano nakita ni Makati Girl ang kanyang sarili. Idinirowing rin nya na mas maliit ang kanyang isang dibdib kesa sa isa. At ang kanyang lotus labia ng kanyang malambot na pudenda ay gumuguhit sa manipis nyang pubic hair.


May nanliligaw kay Makati Girl na isang coño. Nanggagaling pa itong De La Salle sakay ng Hummer ng daddy nya. Para ikuwento lamang mga nadaanan nyang traffic at kung gaano kaginhawa ang buhay nila. Naiinis si Jojo kapag nakikita nyang magkasama ang dalawa. Nakaupo si Makati Girl sa pinakamataas na bahagdan ng hagdan sa tapat ng library. Napapaligiran sya ng mga kawayan, santan at bagong usbong na gumamela. Parang isang birhen sa grotto. Habang ang coño ay nakatayo sa mas mababang bahagdan. Nakatingala sya. Ikinikuwento nya kung gaano sya kasaya. Mukha syang tanga. Habang tahimik na nakatingin sa kanya si Makati Girl. Cute sya ngumiti. Napakaganda nya. Maputi sya. Makinis ang kutis nya. Wala syang make-up. Medyo sigurado si Jojo na virgin pa si Makati Girl. Pero nasasaktan sya kapag naiisip nya ang bagay na iyon.





Taena.KungGustoMoNgSimplengLovelife,WagKaPipiliNgArtist!Ulol!
"I will color the world one step at a time..."









12 comments:

Jepoy said...

Na miss kong mag basa ng mga mikling kwento dito.

Si Jojo naman hina dumiskarte naunahan tuloy ng green achers

ACRYLIQUE said...

@ JEPOY

- Di ko ma-open blog mo. nagha-hang lagi System ko pag inoopen ko. :(

erasmusa said...

please say na may part 2 ito!

lucas said...

weakness ko ang mga artists. i fell in love with a visual artist. it ended tragically. but whatever. give me more tragedy! haha!

saul krisna said...

wow... ganda ng story ahh... teka saan mo ba nahahagilap yung inspirasyon mo sapag susulat? idol na kita!!!!!!!

ELAY said...

winneeeer alam mo wala akong sipag magbasa ng mga mahabang sulatin pero pag ikaw gumagawa nahohook tlga ako naks. sana may part II pa toh!!

citybuoy said...

in my experience, it never ends well but it's never boring. haha

kikilabotz said...

ang galing. malamang talga may kasunod p toh.

Yj said...

kelan mo ipapasok yung character ko na makakatuluyan ni jojo?

bwahahahaha

Manech said...

Natawa ako dun sa huling birada.

At natakot. Drawn ako sa mga artists eh, lintek.

eli said...

ayos. nakakabuhay ng imahenasyon.
may part 2 ba ito? magiging si jojo at makati girl ba? bitin eh. hehe

dhyoy said...

mukhang may part two pa ito.. mukha naman may chance si jojo kay makati girl. :)