Showing posts with label cosplay. Show all posts
Showing posts with label cosplay. Show all posts

Monday, August 10, 2009

METRO COMIC CON 2009


“Writing a book is an adventure. To begin with, it is a toy and an amusement; then it becomes a mistress, and then it becomes a master, and then a tyrant. The last phase is that just as you are about to be reconciled to your servitude, you kill the monster, and fling him out to the public.”



- Winston Churchill






Hindi ako panatiko ng mga modernong komiks. Dahil ang tanging komiks lang na madalas kong basahin dati ay Funny Komiks at Liwayway Komiks. Hindi ko kasi alam kung saan namimili ng Funny Komiks dati. Kaya madalas nanghihiram lang ako sa mga kaklase ko. Sino ba naman ang makakalimot kay NikNok, Planet op di Eyps, Tinay Piay, Tomas en Kulas, Superdog at Tuting, Mr, & Mrs. , at Mahimud Ali. Makulay Ang Pilipino Funny Komiks. Punong-puno ng karakter. Nagsimula ito noong 1978 Islas Filipinas Publications, Inc., isang dibisyon ng Atlas Publications, pag-aari ni Don Ramon Roces. Malamang hindi ko inabutan yun. Sa lahat ng mga batang lumaki sa pagbabasa ng Funny Komiks, nanunumbalik ang lahat sa mga panahong simple pero rock. Wala pang PSP, astig pa noon ang Atari ko. Enjoy pa ako sa paglalaro ng Pacman, bago pa man sya nag-boxing. Wala pang internet, dahil hindi aliw mag-blog sa black at grey na computer. Parang sariwang hangin nang makita ko ang Funny Komiks ng kaklase ko. Ilang linggo binasa ng paulit-ulit ang isang kopya. Paulit-ulit, naaliw ako at natawa ng maraming beses. At pinangarap kong maging katulad ng iniidolo kong si Larry Alcala.



Hindi ako panatiko ng modernong komiks. Mas gusto ko pang panoorin na lang ang mga shows nila sa TV. Dahil sa siguro sa kakulangan ng oras at mabilis na takbo ng panahon sa syudad. isang pindot lang ng remote, makikita ko nang gumagalaw si Batman, lumilipad si Superman, umaalog ang boobs ni Darna at makipaglaban ang buong tropa ng X-men at Justice League.



Hindi ako panatiko ng Komiks. Pero nandito ako sa kauna-unahang METRO COMIC CON 2009. Asteeg!









Mga likha ng Fatboy Studios



Mga Pinoy Na Nagmamanyika





Mga 1980's komiks na binebenta ng P20 bawat isa. APIR tayo dyan!



Free Online Games. Sana may free laptop. Darn!



Sasquatch gawa ng Halimaw! Sculptures



Iron Man gawa ng Studio Hobby Monster







"I will color the world one step at a time..."