Showing posts with label comment. Show all posts
Showing posts with label comment. Show all posts

Friday, June 12, 2009

ANG CHORVA

Photobucket


"I feel that this award was not made to me as a man, but to my work -- a life's work in the agony and sweat of the human spirit, not for glory and least of all for profit, but to create out of the materials of the human spirit something which did not exist before. So this award is only mine in trust.”

-- William Faulkner








Halos mag-iisang buwan palang ang coloring book ko. Pero napakaswerte ko. Dahil ang init ng pagtanggap sa akin. Halos malunod ako sa sobrang saya. Isa na akong ganap na CHORVA! Nais ko pong pasalamatan kayong lahat sa mainit na pagyakap sa akin. Naiiyak ako . Hehe. :)



chorvacheorvamus:
Syempre ang reyna ng CHORVAHAN. kundi nabuo ang blog mo, wala akong chorva award. Davah?


Hoshi:
Peng, kahit na wala kang comment sa mga post ko or message sa chatbox ko. Alam ko binabasa mo blog ko. haha. Salamat sa pagsuporta. Magaling ka sa Inglesan kaya Tagalog ang blog ko. Salamat Peng ng maraming marami. Ikuwento mo na lang kay Bitch, napakinggan ko na yung japanese song nya.


Niel Camhalla :
Syempre naman, Ikaw ang top commenter sa Coloring book ko. Ikaw rin ang isa mga taong nakilala ko na fan ng ACRYLIC. Magpatuloy sa pagpapaganda kay Bb. Barang. At ang Tindahan, ung isa konting finishing na lang, ung isa nirerenovate pa. Leche kasing opisina to, Hadlang sa negosyo. Haha. ToyCon na nga pala sa weekend.


lucas -
Di ko pa nagagawa ang coloring book na ito, Fan na ako ni Lucas. Tagasubaybay na ako ng mga kwento nya. Sobrang na-inspire ako dun sa Lamentations of a withered tin can. Kaya heto nabuo ang veranda ko.


keb -
Ito, ito, itong batang ito ang ka-edad ko. Woohooo! haha. Salamat sa pakikikulay. Kumakain lang talaga ako ng skyflakes pag gutom. ICK! :)


- A n g e l -
Kahit hindi ako nagkakape, sa blog nya napapakape ako. Lalo pa't ang daming Greek Gods dun! :)


LhanDz :
Lando, na-miss ka namin dito. teka, June 27 ba birthday mo? Biglang kumalat sa office June 27 daw birthday ko. Kelan ko pa naging birthday yun. meron na naman bang employee dito na napagkakamalang ako?


period :
Ang unang blogger na nagpahayag na tinamaan sya sa comment ko. Salamat sa pag-dedicate ng isang post sa akin. Patuloy lang ang buhay kahit maraming commas at tuldok. Ellipsis lang yun. Ibig sabihin may karugtong. :)


Herbs D.
Ang batang astig sa lente ng camera. Shala ang yosi nya. At blog nya ang binabasa ko, post pa about kay MG ang na-screenshot ng IT sa opisina. Yari ako. May orgasm pa namn ang blog title nya. (Kasalukuyan ko ring ginagawa ang post na ito sa workstation ko. haha. di nadadala.)


cb :: 林偉文 :
Kahit anong oras pwede mong turuang mag-english si Jasper. Masarap syang turuan. Nakukuha agad. :)


HOMER :
Mabuti na lang overflowing ng Pentelpen supplies dito sa office. Haha. Nang-dekwat ako. Isang box! Yari ang seat ng bus at toilet walls nito. Gusto mo? APIR!


HARI NG SABLAY :
Kagaya ni Lucas, tagasubaybay na ako ni Ginoong Tambay. Kya nung natapos ko ang bahay ko. Nasa blogroll na sya, nasa links pa. Asteeg!


dencios & projectdennio:
Kahit ako nung una, nalilito sa kanilang dalawa. Ngayon hindi na. Basta si dencio, pula. si dennio, asul :)


gillboard :
Uulitin ko po, di pa ako tatay. Haha. Pero may frog test na ko. Baka buntis ako. :)


ShatterShards :
Salamat sa Organized Chaos at Cake of Death. Salamat sa compliments. nagbblush talaga ako.


Rudi:
Sya ang tumupad sa mga pangarap ko. Salamat sa birthday gift. Kung sinuman ang interesado click lang dito. :)


Yj -
Makita ko lang ang pictures ni Papa Piolo sa bahay mo. haha. Busog na ko.

shykulasa :
Shirley, hehe. dahil dyan aakyart ako ng Sagada para kumain ng eggpie! :)


The Green Man :
Humphrey, curious talaga ako sa mga arts mo. Salamat sa pagbabahagi ng mga kulay mo. Viva Acrylics and Emulsions!! mabuhay ang ANTM!

♥ jeLai ♥ :
Nang dahil sa post na yun, nabuko ako. haha. AKO AY NAGPUPUGAY!!

stupidient:
Sya ang unag nagbigay ng komento sa unang post ko. Salamat dude!

aLgene :
Dito rin ako tumatambay para magkape. Fashionista ever! Shala!

PABLONG PABLING:
Kung may hari ng sablay. Sya ang Hari ng Kablogstugan. Syet talaga nahuli ako sa contest. haha.

bampiraako : crappy : ORACLE : the donG : MarcoPaolo : DN :Dhianz :Goryo :kokoi :JasOnizeRs : =supergulaman= : Jason : badlydrownedboy : Rose: Knox Galen : wanderingcommuter : Gee: Mac Callister : ENGKANTADIYA : Rcyan M. : blographics : mavs : arvin: ronric: marco: kyle: korki: PAJAY: dylan dimaubusan: baklangmaton: amor: Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Veykla : Yonyilsonyee : crisiboy : an_indecent_mind: iloilo onfoot: tonio: daHLchie: saulkrisna: rich: rwetha: reyjr: view the world: sweetychocos: xfashi0n:


At sa lahat ng tumanggap, nakikulay, yumakap sa mga ideya ko, bumisita sa coloring book ko. Lalong lalo na sa lahat ng bumoto. Kung may nakalimutan ako, pasensya na po. Maraming-maraming SALAMAT!

I thank you. *bow*













At ngayong Araw ng Kalayaan, ito po ang aking maiaambag.
















"I will color the world one step at a time..."

Tuesday, June 2, 2009

TULDOK

"Don't let anyone ever slam the door on you again. Do you hear me?"
- Angela's Ashes (Frank McCourt)







Hindi ko alam kung paano magsisimula. Teka, hmmm... Ilang taon na ang nakalipas bago pa nagpaulan ang langit ng 3G phones, gumawa ako ng mga blog. Pero hanggang simula lang. Header lang or isang post lang. Tapos makakalimutan ko na ang log-ins ko. Di ko na tinangka pang gumawa ulit. Pero mahilig ako magbasa ng mga blogs ng kung sinu-sino. Nainggit ako. Kaya makalipas ang ilang taon, gumawa ako ng bagong makulay na sanctuary. Ito na ang pinakamatino kong blog na nasusuplayan ko ng info araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang blog ko. Gusto kong magsulat, kasi alam ko hindi ko maililigtas ang buong mundo (di ako superhero), pero sana kahit isa lang may maapektuhan sa gawa ko. Salamat tol. :)




Nung binabasa ako ang POST mo, yung totoo, nagulat ako. Sino nga bang magsasabing si john arthur villanueva ay kilala ko rin. Ibig kong sabihin, marami tayong john arthur villanueva. Ilang bahagi ng sarili ko, nakikita ko rin sa kanya. (At madalas din akong dumaan ng balagtas at Lyceum dati).. haha..



Maraming bagay sa nakaraan ang gusto nating kalimutan, pero kadalasan bumabalik sila. . It's either harapin sila or ikaw ang haharapin nila. Mas mabuting unahan mo na sila. Minsan tayo rin ang gumagawa ng mga multong kinakatakutan natin.



Kababasa ko lang ng Kapitan Sino ni Bob Ong, isa rin syang halimbawa ng post mo. Dahil sa maling paniniwala ng sosyalidad, bawat isa apektado. Kahit may isang superhero na sasagip sa buong mundo, darating ang panahon siya mismo ang talo."Tutulong ako kung ano ang makakaya ko". Pero di ko papangaraping masagip ang lahat ng tao. Kahit si Noah, di nya nagawa. Limitado lang ang sakay ng arko nya.



Hanga ako sayo. Marami kang nagawa na hindi ko narating. May boses ka na dapat iparinig sa iba. Wag mong katakutan ang mayayaman at good looking. Hindi lahat sila kampon ni Puma Ley-ar. Nagawa mo ngang harapin ang isang ex vice gov. Sila pa kaya? :)



May mga bagay na dapat tuldukan. Pero magpapatuloy ang buhay.


Salamat ng marami. Salamat sa pagtitiyaga.. :)





ACRYLIQUE



"I will color the world one step at a time..."