Saturday, April 24, 2010

BINYAG


"Umalis na ho sya. Iniwan na nya ako.
A
lam nyo ho ba , babalikan pa rin nya ako?"

-Milagring





Malapit na ako sa San Joaquin. Di ko alam kung babalik pa ako sa Maynila. Ano bang ginawa ko dun? Sabagay wala rin namang pagkakaiba sa mga ginagawa ko dito. Meron pala. Meron na pala.


Anuman ang nangyari sa akin sa Maynila. May natutunan man ako o wala, ang sigurado ako. Dito mas bagay ako. Dito sa lugar na kapag nandito ka, wala ka nang iisipin pa na iba. Parang lagi kang nag-iisa. Eto ang paraiso ko. Tahimik. Walang istorbo. Totoo. Di katulad ko.


Ngayon kahit medyo malabo, parang naiintindihan ko na si Mang Mando. Di ako sigurado. Pero sa pinagdaanan ko, di ko na rin alam kung ano ang mga nangyari sa buhay ko. Isa lang ang nasisiguro ko.



"Malaki talaga ang iyo.
Mas lalong lumaki mula nung mabinyagan kita."

-Mang Mando


Parang kadikit na ng buhay ko si Mang Mando. Ang buhay nya, ang mga pinagdaanan nya. Ang mga sana na hindi na nya pinagdaanan. Pareho kami, halos walang pinagkaiba. Kung may natutunan man sya, ewan ko sa kanya.


Lumipas ang mga araw. Bigla na lang nawala si Mang Mando. Sabi ng iba nalunod. Tinangay ng mga agos. Sinama ng mga sirena. Ginahasa ng mga syokoy. Nagpakamatay. Pinatay. Di ko lang alam kung ano ang totoo. Kaya siguro madalas ako ngayon dito. Inaalala ang mga ginagawa nya. Ang mga hindi nya dapat ginawa. Pero kung hindi nya kaya ako bininyagan, may mababago ba sa kapalaran ko? Malalaman ko ba kung sino ako?


Si Milagring naman, lalong wala na syang maasahan. Gusto nya akong tabihan. Gusto nya akong samahan. Pwede kaming sabay kumain ng kamote't saging. Magkantahan. Magtawanan. Magsayawan, tulad ng ginagawa ni Mang Mando dati sa tabing dagat.









transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."




Thursday, April 15, 2010

ANG ARTISTA


"Bakit di mo ko ginalaw? Artista ako. Di mo ba ako kilala?"





"Pagod na akong gumalaw. Sawa na. Ikaw, hindi pa ba? Masaya na ako sa patingin-tingin."


"Pwede kitang pagbigyan. Gusto mo?"


"Pwede rin naman kitang bayaran. Masaya ka ba? Ilang taon ka na ba? Bakit ka ba nandito? Magpahinga ka na. Minsan, pag sumosobra. Di na masaya"




Pagkatapos ng gabing yun, parang may nagbago. Parang may nagbago ulit sa akin. Medyo nabawasan ang mga tanong sa sarili ko. Nakakapagod din pala yung ganito. Parang ang layu-layo ng pinuntahan ko. Parang pagod na pagod ako. Tama na siguro ito. Hanggang dito na lang siguro ang kaya ko. Kahit paano, malayo na rin ang narating ko. Kung meron man, marami na rin akong pwedeng ikuwento kung kinakailangan. Pwede rin namang di ko sabihin ang lahat. Pwede rin namng magkwento ako ng di totoo. Mag-imbento. Di naman rin nila malalaman ang totoo.


Kahit naman siguro sino may mga tinatago tungkol sa sarili nila. Na hanggang sa mamatay sila, walang nakakaalam. Saka wala naman silang pakialam sa mga nangyari sa akin dito. Kahit kelan naman di sila naging interesado sa buhay ko. Pero ngayon, kahit sa sarili ko, parang alanganin na ako kung kilala ko pa. Nasaan na kaya ang San Joaquin? Si Mang Mando? Ang anim na nakatikim sa pag-aari ko sa probinsya? Si Milagring at ang kanyang kamote't saging?



transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."





Thursday, April 8, 2010

LARO



"Sorry. Pasensya ka na. Kasi first time ko eh.
Anong gagawin natin dito? Ano ang gagawin mo?"

-Kenjie





Tumakbo ng ganun-ganon lang ang buhay ko. Kung gaano kabagal ang buhay sa San Joaquin, ang bilis-bilis naman sa Maynila. Ni wala nga akong matandaang pangalan sa sobrang bilis. Ang dami nilang nandyan. Ang dami-dami. Di ko matandaan kung may natuloy ba akong pelikula. Di ko rin alam kung saan lumabas yung mga litratong pinagkukuha nila. Ang alam ko lang parang nakakapagod lang. Ganun ba talaga sila?


Naguguluhan ako. Nalilito. Parang biglang di ko na kilala ang sarili ko. Pero ang alam ko hindi na ako makukuntento sa paglalangoy lang sa dagat. Sa singkwenta pesos. Sa tatlong daan. Sa tatlong libo. Parang gumulo ang mundo ko. Pakiramdam ko kahit siguro maghubad ako sa dagat na pinagliliguan ko, di na nito kayang burahin ang lahat ng laway na dumampi sa katawan ko. Sari-saring laway. Di ko na alam. Di ko na alam kung bakit ko pa ginagawa ito.


Ginagawa ko ba ito dahil sa kailangan? Ginagawa ko ito dahil sa gusto ko. Gusto ko ba? Gusto ko ba dahil kailangan? Gusto ko, dahil gusto ko.


Pakiramdam ko, para na akong si Mang Mando. Ang dami ko nang sinasabi na hindi ko naman naiintindihan. Sigurado na ko, ang dumi-dumi ko.


Patuloy na dumaan ang araw. Ganun pa rin. Paulit-ulit. Nawala na ang mga audition. Ang mga pictorial. Parang ganun lang na nawala ang lahat. Parang si Lester. Pati pagkakakilala ko sa sarili ko, parang nawala na rin. Sino na ba ko? Ewan ko. Di ko na kayang sabihin kung sino ako. Minsan gusto kong ako ang pinaglalaruan. Minsan naman gusto kong ako ang may pinaglalruan. Di ko kayang ipaliwanag kung ano ang nangyayari s aakin. Para akong sabog na di naman nagdidroga. Adik na wala namang tinitira. Kahit kanino pwede.




transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."




Tuesday, April 6, 2010

INIT



"Buti pa ang init, kapag pagsapit ng gabi, naiibsan.
Pero paulit-ulit ang init...
Ang sarap ng kamote, eh ang saging kaya, masarap din?"

-Milagring








Hayun katulad ng dati, mainit na naman ang ulo nang umuwi si Milagring.
Nagdadabog parang sasabog.

Ganun pa rin si Mang Mando, walang pagbabago.
Parang makata na ang daming kinukuwento.
Hanggang sa may isang bisitang dumating.
Unang kita ko palang sa kanya, magaan na ang loob ko.
Maamong mukha, mukhang di nakakasawa.
Mukhang alam ko na kung ano ang hanap.
Di na ako bobo pagdating sa mga kwentong ganito.


Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim...
Bilang na bilang ko kung ilang beses ko na naibigay ang gusto nila sa isang tulad ko.


Una kay Lito na manikurista.

May sariling parlor na mabaho ang hininga at paa.

Si Mang Tony na mangingisda na iba pala ang gusto nyang sisirin.
Medyo mabaho rin sya. Malansa, malansang malansa.

Si Jessie na kasama ko sa pangangahoy.
Na di naman pala kahoy na matigas ang hanap.

Sa kapwa tricycle driver ko na si Antonio na may tatlong anak na lalaki.

Si Berto na kaibigan ko na nagpautang sa akin.
Pagkatapos naming magbasketbol, ako naman ang nilaro nya.

At kay Lito ulit na manikurista na umulit ulit pagkatapos nya ko bigyan ng sikwenta.
Pero mabaho pa rin ang paa at hininga.

Sa totoo lang, sinubukan ko ang sinasabi nilang tama.
Yung normal daw na ginagawa, ngunit kahit anong pilit na gawin ko.
Iba pa rin ang hanap at gusto ng katawan ko.





transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."




Friday, April 2, 2010

SI LESTER


"Leo, may tipo ka. Pwede ka mag-artista.
Malaki naman ang iyo. May abs ka.
Saka maganda yung kulay mo .
Barakong-barako.
Ipapakilala kita sa producer ko.
Sigurado, magugustuhan ka nun."

-Lester









Iba kasi si Lester. Taga Maynila kaya iba ang amoy. Kakaiba. Malinis ang ngipin. Makinis ang balat. Iba ang ngiti. Parang mayaman. Basta ang alam ko ibang klase kung anuman ang gagawin namin. Di naman siguro kasalanan ang ginagawa ko. Di naman ako namimilit. Niyayaya lang ako. Sumasabay kung ano ang gusto.


Dito nagsimula ang lahat. Marami syang kinukuwento. Marami syang plano. Binuo nya sa isip ko ang isang mundo na kahit minsan , di ko naisip na papasukin ko. Binigyan nya rin ako ng pera. Hindi singkwenta. Tatlong daan. Pinainom at pinakain pa nya ko pagkatapos. Iba talaga ang taga-Maynila. Di mabaho ang hininga at paa.


Naniwala ako sa mga sinabi ni Lester. Nagdesisyon ako na sumama sa kanya. Saglit kong iiwan muna ang paborito kong lugar. Si Mang Mando at mga kwento nya. Si Milagring na alam kong kahit wala ako, mananatiling maghihintay sa akin. Iyon yata ang hula.


Nang araw na iniwan ko ang San Joaquin. Alam kong darating ang araw na babalik ako rito. Di ko lang alam kung paano at kung kailan. Basta sigurado ako sa sarili ko na babalik ako dito. Kung saan nagsimula ang kwento ko.


Sa Maynila, mas marami pang katulad ni Lester. Iba dun ang amoy. Kakaiba. Malinis din ang ngipin. Makinis ang balat. Iba ang ngiti. Parang mayaman din. Ang dami nyang pinakilala s akin. Ang dami pala nyang kaibigan. Pagkatapos nya akong ipakilala sa iba, di ko na sya uli nakita. Ito siguro ang sinasabi ni Lester na kailangang gawin ko. Makisama sa mga taong pwedeng makatulong sa akin dito. Pero pag pala puro ganon, nakakasawa din. Di ko alam na ganito pala ang ibig sabihin pag sumama sa Maynila.


"Pwede kang mag-artista.
Malaki ang ari mo. Maganda ang kulay mo.
Barakong-barako. Ipapakilala kita kay Direk. "

-Producer


Maraming nagbago. Di ako sanay pero di yata ako marunong sumunod sa agos. Pero sumabay ako. Pictorial dun, pictorial dito. Iba-ibang kulay ng brief. Iba-ibang kulay ng background. Lahat yata ng pwedeng gawing props nagamit na namin sa pictorial. Lahat na yata ng gulay sa kantang bahaykubo, nagamit ko nang pantakip sa malaking ari ko . Chin up. Chin down. Wonderful. Great. Beautiful. Yun ang sabi ng photographer dun sa may Tondo.


Oh, patigasin mo ng konti. Para mas maganda. Ibaling mo sa kanan, sa kaliwa naman. Ang hirap din palang magpa-pictorial. Isang araw yun na wala akong ginawa kundi tumayo, tumihaya, bumukaka. Dapat raw gawin ko para sa publicity. Publicity ng movie ko.


Ang dami kong pinuntahan na auditon para sa pelikula. Pero pagkatapos ng konting acting-acting. Paghuhubarin ako. Titingnan kung makinis daw ako. Kung marami raw akong peklat. Marami nang nagyari. Nasanay na ko sa mga ganoong pangyayari.






transcribed from the film BINYAG by MICO S. JACINTO













"I will color the world one step at a time..."