Tuesday, February 2, 2010

ANG PRINSIPE



"Grown-ups never understand anything by themselves, and it is tiresome for children to be always and forever explaining things to them."


- The Little Prince , Antoine de Saint Exupéry








Alam ni Jojo, hindi sya dapat tumatambay sa rooftop ng Faculty Center . Dahil doon madalas magpunta ang mga malilibog na estudyante upang tumoma at manigarilyo. Kaya binarikadahan ng mga security guards ang paanan ng hagdan na abot-bewang na minartilyong kahoy. Pero para saan pa ang ginawang harang sa paanan ng hagdan? Wala namang ibang daan paakyat sa rooftop. Matagal na ring binaklas ang pinto nito. Kaya ang lahat ay walanag hirap na nakakatawid sa walang kwentang harang sa hagdan.


Ngunit sa araw na ito, tanghaling tapat. Walang tao. Sya lang mag-isa, sa palagay nya. Kanyang-kanya lang ang rooftop. Pakiramdam nya pag-aari nya ang rooftop. Napanuod nya kanina sa UP Theater ang isang French documentary tungkol kay Vincent Van Gogh na nagtangkang magpakamatay noong mga panahon nya. Nagtataka si Jojo, bakit walang masyadong Filipino artists na nagpapakamatay? Dahil ba kulang pa ang mga "angsts" sa buhay nila?


Sa isa mga dingding ng rooftop ng Faculty Center , may isang estudyante, malamang isang kolehiyala, ang sumulat ng isang linya mula sa The Little Prince ni Saint Exupery.


"One sees clearly only with the heart. Anything essential is invisible to the eyes."


Naalala nya, paborito ni Bb. Farrin ang The Little Prince. Naalala nya ang sabi ni Bb. Farrin na ang lahat ng nakasulat sa maliit at manipis na librong iyon ay may malalim at matalinhagang kahulugan. Kagaya ng tatlong bulkan sa planeta ng Little Prince. Yung natutulog na bulkan. Ang sabi ni Bb. Farrin, iyon daw ang sumisimbolo sa sex drive ni Jojo. Hindi na maalala ni Jojo kung anong uri pa ng dalawang bulkan at kung bakit kailangan pang malaman ang sinisimbolo ng mga iyon. Siguro mas gugustuhin pa nyang pag-aralan ang pinagmulan ng quadratic equation kesa alamin ang kahulugan ng The Little Prince. Kahit gaano man kaganda ang mga nakasulat sa footnotes ng bawat pahina, hindi nya papansinin. Wala rin syang pakialam kung aksidente nyang manakaw ang ideya ng ibang tao.


Tapos na umihi si Jojo. Mala-eksperto nyang pinitik ang ulo ng kanyang ari. At ang huling patak ay tumalsik malapit sa kanyang paanan na parang isang pirma. Marahan nyang isinara ang kanyang zipper. Upang makatipid, hindi na sya nagsusuot ng briefs. Nakakabawas sa labada at turn on pa sa mga chicks. Magmula nang makilala nya si Bb. Farrin, nagbilang na sya ng mga naging syota sa kanyang mga daliri sa kamay at paa. Hindi na masama para sa isang binatilyo na wala pang dise-otso anyos .

Bago pa sya bumaba ng rooftop, nakaisip si Jojo ng isang Centennial project proposal. Ang punuin ang rooftop ng body fuids ng isang daang Filipino artists. Habang ang lahat ay abala sa panunood ng Oblation run. Body fluids- gaya ng ihi, pawis, laway, suka at tamod. Pagkatapos magpapatugtog sya ng background music, ethnic at konting tribal dancers. Isa nang multimedia experience.









" I will color the world one step at a time..."



9 comments:

Herbs D. said...

i never really liked the little prince. i find him as this stupid kid going gaga over a stupid manipulative rose. i think its subliminal S&M.

Arvin U. de la Peña said...

litte prince talaga..pero malupit.......

Dhon said...

i never fully understood the little prince.. :)

And i don't like the book ..

puzzle said...

I love the lines of the Little Prince. It touched me.

citybuoy said...

i enjoyed the little prince. i just don't like it when people quote lines from it to appear smart or well-read.

as for jojo, gusto ko yung idea nya ng multimedia experience. haha gusto ko yung underlying commentary ng post na to about art. hehe

Kokoi said...

i remember Andress Serrano, yung gumawa ng album art ng Load at ReLoad ng Metallica. Gumamit sya ng tamod, ihi at dugo. Ganda ng mga kinalalabasan ng works nya pero minsan e blasphemous nga lang.. :)

Unknown said...

whoah!nakabalik ulit! ang ganda nmn...

siyetehan said...

depende pa rin sa nagbabasa.

little prince must be one of my favorites.

so many ideas, so many truths. pero depende kung paano mo pinupulot ang mga aral sa bawat salita

www.badajoz-3d.com said...

Wow, there is a great deal of useful information in this post!