Can you imagine no love, pride, deep-fried chicken
Your best friend always sticking up for you even when I know you're wrong
Can you imagine no first dance, freeze dried romance, five-hour phone conversation
The best soy latte that you ever had . . . and ME
- DROPS OF JUPITER by Train
- DROPS OF JUPITER by Train
Malakas ang ulan nang nagdaang mga gabi. Ngunit kakaiba ngayon. Hindi na madaling hulaan ang panahon. Kahit mahinang patak ng ambon hindi sumayad sa lupa. Maaari rin namang maghapong uulan bukas. Humahawi sa manipis na ulap ang malamlam na liwanag ng buwan. Walang bituin. Tahimik ang gabi. Walang tahol ng aso. Hindi nagtatawag ng ulan ang mga palaka.
Nakadungaw ako sa may bintana. Nakatingin ako sa buwan. Naalala ko ang isang matalik na kaibigan, si ARTHUR. Hindi sya pangkaraniwan. Simple lang siya, ngunit komplikado. Mas madalas sa hindi, nakangiti lang sya. Tahimik sya, ngunit mapagmasid. Nakikita nya ang maliliit na detalye. Natutuhan nyang bigyang pansin ang mga ito . Sabi nya, sa maliliit na bagay nagmumula ang malalaking kwento. Magkakaugnay ang bawat maliliit na detalye , upang mabuo ang isang malaking kwento.
Noong bata pa sya, isinama sya minsan ng Tatay nya sa laot. Habang nangingisda, napansin nya ang ilang makukulay na bilog na lumulutang sa tubig-alat. Papalapit ang kulay pulang bilog sa bangka nila. Kinuha ito ng Tatay nya at ibinigay sa kanya. Natuwa si Arthur. Lobo pala ang mga iyon. Nagtaka sya. Bakit may mga lobo sa dagat? May birthday party ba ang mga isda? Hindi ba't sa langit napupunta ang lobo kapag lumipad ito? Kagaya ng kantang natutuhan nya sa eskwela?
Ang sabi ng Tatay nya, sa langit nga pumupunta ang lumipad na lobo. Nakikipaglaro sa mga ulap, buwan, bituin at sa iba pang mga lobo. Kapag napagod ito, kusa syang bababa. Babalik sya kung saan sya nagmula. Hindi lang sa dagat bumabagsak ang napagod na lobo. Napapadpad dinito sa gubat, sa ilog, sa syudad. Mas malaking bahagi kasi ng mundo ang dagat kaya karamihan sa kanila dito bumababa.
Taong 2006.
Kakatapos lang manalanta ng bagyong Milenyo. Habang walang tubig at kuryente ang buong Kamaynilaan, nakatanggap siya ng isang regalo. Isang malaking PULANG LOBO. Lubos ang kanyang kasiyahan sa natanggap na regalo. Minahal nya ito. Katabi nya sa pagtulog. Kasama nya kahit saan. Kasama nyang namasyal sa mall. Kasabay nyang nanood ng sine. Nagbilang ng mga hayop sa zoo. Nagbaliktanaw ng kasaysayan sa museo. At kumain ng maraming pizza.
May sariling buhay ang lobo. May sariling pag-iisip. Humihinga. Nagkaroon sila ng matibay na ugnayan sa isa't isa. Minsan namamasyal ang pulang lobo. Minsan din kailangang umalis ni Arthur na hindi kasama ang pinakamamahal na pulang lobo. At kapag nangyayari yun. Nalulungkot sila. Nasasabik na makita ang bawat isa. Hanggang sa dumating ang araw na umikot ang mundo ng dalawa sa bawat isa. Halos magkarugtong na ang buhay nila.
Lumipas ang halos tatlong taon. Paulit-ulit ang pangyayari. Paikot-ikot. Sa pamamasyal ng pulang lobo, marami itong narating. Marami itong nakilala. Nakalipad sya sa ibabaw ng dagat. Naabot nya ang ulap sa mga talampas. Nilipad sya ng hangin sa magagandang ilaw ng syudad. Naiwang naghihintay si Arthur sa may bintana. Umaasang uuwi rin ang pinakamamahal na pulang lobo. Minsan natagalan ang pagbabalik ng pulang lobo. Matiyagang naghintay si Arthur sa may bintana.
Isang gabi, tahimik na dumating ang pulang lobo sa may bintana. Tahimik lamang ang dalawa. Maliwanag ng buwan ng gabing iyon. Maraming bituin. Tumingala silang dalawa. Nais marating ng pulang lobo ang buwan at bituin. Nais nyang makita mula roon ang mundo. Nalungkot si Arthur, alam nyang hindi sya maaaring sumama. Ninais nyang mabago ang pasya ng pulang lobo. Ngunit wala syang nagawa. Hindi na raw masaya ang pulang lobo sa paulit-ulit na pangyayari. Hawakan man ni Arthur ng mahigpit ang pisi ng pulang lobo, hindi nya kaya. Alam nyang may sariling pangarap rin ang pulang lobo. Alam nyang masaya ang pulang lobo sa pasya nito. Masakit man sa loob nya, kailangan nyang pumayag.
Nais ng pulang lobo na maging mabuting magkaibigan na lamang sila. Hindi pumayag si Arthur. Hindi nya magagawa. Ang sabi nya, LOVE IS ALL I CAN GIVE NOT FRIENDSHIP!
Siguro maaari silang maging magkaibigan ngunit hindi ngayon. Hindi nya kayang maging kaibigan lang ang pinakamamahal nyang lobo. Dahil hindi maituturing na pagkakaibigan ang pagtingala lamang ni Arthur sa kalangitan, habang nagsasayaw sa mga bituin ang pulang lobo. At dahil masaya na ang pulang lobo sa kalangitan, hindi na ito bababa para sa kanya.
Ang sabi ng pulang lobo:
"It should feel more like a really great and intensified form of friendship.
It shouldn't be a habit rather a carefree lifestyle.
It should involve trust not suspicion.
It should involve growth not walking around circles.
It should involve individual lives merging into one synergy not living in dual isolation.
From experience and coming out from a 3 year relationship, I can say that break ups suck.
Its not easy.
Its a long, long process.
Process of recircuiting your life, trying to live another day without doing the things that you're so used to.
Breaking up with someone really special makes me want to do one thing-- to be friends with that person.
But as I said, it takes time."
Tama, hindi madalian ang lahat. Kailangan talagang mag-ingles ang pulang lobo. Maaaring maging magkaibigan sila. Ngunit hindi ngayon. Kailangang ipagpatuloy ni Arthur ang buhay nya. Kailangan nyang bitawan ang pisi ng pulang lobo. Hayaan nyang lumipad ito sa kalangitan. Maglaro sa mga ulap. Libutin ang buwan. Maglayag sa init ng araw. Sumakay sa bulalakaw hanggang sa milky way. Makakakilala sya ng ibang lobo doon. Iba't ibang kulay. Hindi nya magagawang maging kaibigan ang pulang lobo habang nasasaktan sya na nakikitang may iba ng mahal ang pulang lobo.
Ang sabi pa ng pulang lobo;
"Sometimes, you still get those little pangs.
"Sometimes, you still get those little pangs.
For even if the pain has disappeared, little pictures remain of the movie you acted in together.
But you're onto it by now.
You'll never understand everything, but you're aware that disappearances will always be mysteries, and mysteries have never brought forth complete acceptance because you will always, always be wondering.
But as with any great mystery, it's a "wondering" that borders on musing.
Because you'd never be puzzled enough to still bother to ask again why or to pave the way for questions to be raised.
Some questions you've never learned by now, are best left unanswered, will never be answered, don't need to be answered.
So you acknowledge this and know fully well that not all pangs have to be acted on or remedied.
That perhaps they serve as reality checks, reminders, not necessarily of a boy, of a relationship gone wrong, of emotions wasted or lost.
But reminders of the individual that still stands, of mistakes that shouldn't be repeated, of spirits that still need constant pruning, of souls that should remain afloat no matter how immersed you are in your love."
Ang tanging magagawa ni Arthur ay ipagpatuloy ang buhay nya. Bumuo ng mga pangarap. Maaari nyang iwasan ang dating nakasanayan. Maaari syang umibig muli. Walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang mangyayari kinabukasan.
Ang tanong pulang lobo;
"Can I wake up without you everyday, If I let you walk away?"
Masakit para kay Arthur ng pangyayari, sa biglaang pagbabago ng pulang lobo. Ngunit pareho lamang silang mahihirapan at masasaktan kung hindi nila bibitawan ang isa't isa. Makakagising pa rin naman silang pareho araw-araw, maaaring nasasaktan, maaaring nahihirapan, maaaring umiiyak. Sa paglipas ng panahon, hihilom din naman ang sakit na naramdaman. Titigil din ang pagluha.
Ang sabi ng Tatay nya, kapag napagod na ang lobo sa paglalaro sa kalangitan. At naubos na ang asoge. Kusa itong bababa. Pabalik kung saan ito nagmula. Papunta sa kung kanino sya nararapat. Kagaya ng pulang lobo na hawak nya. Bumagsak ito sa dagat. Inanod ng alon. Nakita nya. Lumapit sa kanya.
Kung talagang sila para sa isa't isa. Maaaring magkakabalikan sila. Maaaring hindi. Magiging maayos din naman ang lahat sa bandang huli. Happily ever after din naman ang katapusan. Sa piling ng isa't -isa, maaari rin namang sa piling ng iba. Kung bababa man muli ang lobo sa bintana ni Arthur, maaaring sabay na silang lilipad sa kalangitan at makikipaglaro sa bituin, buwan at bulalakaw.
Ngayong gabi, sa ilalim ng malamlam na sinag buwan. Nakatingin din si Arthur. Inaalala ang masasayng nakaraan nila ng pulang lobo. Nabawasan na ang sakit. Ngunit ang pagmamahal nya, naroroon pa rin. Kung uulan man ng malakas bukas, hindi na sya kailangan pang malungkot. Hindi na siya iiyak. Umulan man magdamag. Sasayaw na lamang sya.
We are all different people with, different perspectives.
There's no such thing as no such thing..
Kung ang tanong, Bakit ka magmamahal sa isang taong hindi ka naman mahal?
Ang sagot siguro ay,
Bakit may mga taong hindi makalet -go given na may mahal nang iba ang mahal nila?
Wala namang masama kung maglet-go ka , sabi nga nila, walang babalik kung walang aalis,
Who knows, may tamang oras para sa lahat.
At may dahilan kung bakit masakit.
Kung kaya pa, eh di mag-stay -
--> Hindi ka naman mapipigilan ng kahit na sino kung mahal mo pa siya.
Pwede mo naman siyang mahalin nang ikaw lang nakakaalam, at pwede mo rin siyang mahalin kahit hindi ka nya mahal.
kung hindi mo na kaya,
--> Mag-let go ka na lang. If you realized na gusto mo rin maging masaya ng bonggang-bongga.
You can find someone to make you deserving of the happiness.
Tao lang naman tayo. nakakaramdam at nasasaktan..
At dahil magkakaibang tao tayo, iba iba rin ang recovery phase at perspective.
Kung hindi kayang lumaban ng isa para sa atin, hindi natin sya mapipilit.
Mahihirapan lang pareho, Magkakasakitan pareho, at sa bandang huli magbabago ang tingin ninyo sa isa't isa.
Sa halip na mapanatili ang pag-ibig, wala na, nasira niyo na pareho ng di niyo nalalaman.Sa paglipas ng panahon, matatabunan na lang ng kwento. Masasanay na tayo. Hanggang sa tatawanan mo na lang balang araw.
Kahit naman makipagbreak tayo, Hindi ibig sabihin na hindi natin mahal ang isa't isa. Minsan kailangan lang ng pagbabago.
Ang LOVE hindi nawawala, natatabunan lang. So even if they let go, one day pag nagkita sila, imposibleng walang feelings na bumalik.
Nasa sa atin na lang kung pano natin bibigyan ng pansin or kung gagawan ba natin ng paraan.
"I will color the world one step at a time..."