"My life is my message."
-Mahatma Ghandi
Unang araw ko noon sa nilipatan kong bahay sa Cainta. Suot nya ang isang manipis na puting kamiseta noong una ko syang makita. Lagpas balikat ang itim nyang buhok. Nakaupo sya sa ikatlong baitang ng hagdan. Alam ko mas matangkad sya sa akin, kahit hindi sya nakatayo. Alam ko, basta alam ko. Nakatingin ako sa kanya. Nakatitig. Tumingin sya sa akin. Pero parang iniiwasan nya ang mga mata ko. Gusto ko syang ngitian, pero baka di nya ako gantihan ng ngiti.
Dumaan ako sa gilid nya paakyat ng hagdan. Tumayo sya at sumunod sa akin. Tiningnan ko sya, nakatingin rin sya sa akin. Ngunit di nagtatagpo ang mga aming mga mata. Sinubukan ko na lang bilangin ang bawat baitang na hinahakbangan ko. Paakyat sa pinto ng aking kwarto. Binuksan ko ang pinto ng inuupahan kong kwarto. Pumasok ako. Tumayo sya sa harap ng pinto. Pinilit kong hulihin ang mga tingin ng mata nya. Pero umiwas sya. Isinara ko ang pinto.
Magmula noon, kapag walang tao sa bahay at tahimik. Nakikita ko sya kadalasang nakaupo sa ikatlong baitang ng hagdan. Suot pa rin nya ang manipis na puting kamiseta. Minsan nakaupo sya sa sofa. Minsan sa silya sa may dining table. Pero kadalasan talaga sa ikatlong baitang ng hagdan. At sa tuwing aakyat ako ng hagdan, sumasabay sya. Tapos tatayo lang sa harap ng pinto ng kwarto ko. Minsan kapag lalabas na ako ng kwarto, nandoon sya nakatayo sa harap ng pinto.
Kaninang umagang paggising ko. Umupo ako sa kama. Naghikab. Tumingin sa salamin. Tapos napatingin ako sa sahig. Sa puting tiles sa sahig ng kwarto ko. Nakakita ako ng mga hibla ng buhok. Mahahabang itim na hibla ng buhok. Nagkalat sa sahig ng kwarto ko.
Nagmula ang larawan dito.

"I will color the world one step at a time..."
Nagmula ang larawan dito.