Tuesday, September 6, 2011

SPONGEBOB


Who knows where life will take you,
the road is long and in the end the journey is the destination.



-Lucas Scott, One Three Hill




Tandaan mo ngayong gabi,
Dahil sa ito ang simula ng parati.
Isang pangako.
Gaya ng isang gantimpla, mula sa mahabang panahon ng pag-iisa.
Isang pagtitiwala sa bawat isa at sa pag-ibig.
Isang pagwawalang-bahala at paglimot sa nakaraan.
Isang tipan.
Kung saan nagbubuklod ang dalawang diwa,
Ngunit may magkaibang buhay na binabagtas.
Isang pagdiriwang.
Na haharap sa mga pagsubok na magkahawak-kamay.
Sapagkat ang dalawa ay matibay kapag nagbuklod.
Kagaya ng isang hukbo na haharap sa daluyong ng makabagong mundo.
At pag-ibig ang ating magiging kalasag.
Ang gabing ito ay isang pormalidad.
Ng sigaw ng mga damdaming nagsusumamo.
At mga pangakong kinimkim ng napakatagal.
Mula sa mga tapat na pusong nagmamahal.








--- Isang buwan na tayo.
Masaya akong makasama ka sa maraming bagay na atin pang gagawin.
At maraming lugar na ating mararating.
Happy 6th.
*payakap ng mahigpit*








"I will color the world one step at a time..."













Thursday, July 28, 2011

ANG BABAE SA HAGDAN



"My life is my message."


-Mahatma Ghandi







Unang araw ko noon sa nilipatan kong bahay sa Cainta. Suot nya ang isang manipis na puting kamiseta noong una ko syang makita. Lagpas balikat ang itim nyang buhok. Nakaupo sya sa ikatlong baitang ng hagdan. Alam ko mas matangkad sya sa akin, kahit hindi sya nakatayo. Alam ko, basta alam ko. Nakatingin ako sa kanya. Nakatitig. Tumingin sya sa akin. Pero parang iniiwasan nya ang mga mata ko. Gusto ko syang ngitian, pero baka di nya ako gantihan ng ngiti.


Dumaan ako sa gilid nya paakyat ng hagdan. Tumayo sya at sumunod sa akin. Tiningnan ko sya, nakatingin rin sya sa akin. Ngunit di nagtatagpo ang mga aming mga mata. Sinubukan ko na lang bilangin ang bawat baitang na hinahakbangan ko. Paakyat sa pinto ng aking kwarto. Binuksan ko ang pinto ng inuupahan kong kwarto. Pumasok ako. Tumayo sya sa harap ng pinto. Pinilit kong hulihin ang mga tingin ng mata nya. Pero umiwas sya. Isinara ko ang pinto.


Magmula noon, kapag walang tao sa bahay at tahimik. Nakikita ko sya kadalasang nakaupo sa ikatlong baitang ng hagdan. Suot pa rin nya ang manipis na puting kamiseta. Minsan nakaupo sya sa sofa. Minsan sa silya sa may dining table. Pero kadalasan talaga sa ikatlong baitang ng hagdan. At sa tuwing aakyat ako ng hagdan, sumasabay sya. Tapos tatayo lang sa harap ng pinto ng kwarto ko. Minsan kapag lalabas na ako ng kwarto, nandoon sya nakatayo sa harap ng pinto.


Kaninang umagang paggising ko. Umupo ako sa kama. Naghikab. Tumingin sa salamin. Tapos napatingin ako sa sahig. Sa puting tiles sa sahig ng kwarto ko. Nakakita ako ng mga hibla ng buhok. Mahahabang itim na hibla ng buhok. Nagkalat sa sahig ng kwarto ko.



"I will color the world one step at a time..."



Nagmula ang larawan dito.



Monday, April 25, 2011

A MONSTER BUKKAKE



“Man's feelings are always purest
and most glowing in the hour of meeting and of farewell”

- Jean Paul Richter





Nagsimula ang lahat sa isang simpleng HELLO...



Parang Japanese Monster Bukkake, pero in Vietcong style.



Ako si POLE.



Isang harmless-looking babyface na singkit pero minsan masamang tumingin. May maliit na paunch at predilection sa pagsusuot ng T-shirt na one size smaller sa akin. Artistahin.



Paano ko ba sasabihin ito in my idiosyncratic ways? Hmmm... Matapos ang halos 4 na taon, ako ay mawawala na parang isang radioactive na butiki na lumusong sa kalaliman ng dagat, at aahon muli na parang si Aphrodite na nakasakay sa kabibe.



Divine Synchronous Madness, iyan ang buhay ko. Gusto kong tumalon sa isang mataas na diving board kahit natatakot ako, pero excited ako dahil isang malalim na pool ng lambanog ang babagsakan ko. Gusto kong sumabit sa isang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Aurora Blvd hanggang Montalban. Tapos lilinisin ko ang mukha ko ng wet wipes na binili ko sa Ministop kanina.



At ngayon, dumating ang isang pagkakataon. Isang pagkakataon that will let me run creatively amok without having to take medication. Isang pagkakataon na matagal ko nang pinangarap. Isang pagkakataon na niyakap ko kaagad.



So, mga katoto, mga kabaro, mga kaulayaw, my boys, girls, BABES and FRIENDS.



Salamat. We get off on each creative juices with the same exhiliration, but thankfully not the same execution as bukkake. Salamat dahil nakasama ko kayo. Salamat dahil nakilala ko kayo. And I cherished every minute of it.



Sino nga bang nakakaalam sa mga susunod na pangyayari? Basta ang alam ko makikiliti ka, nakakagulat, titigasan ka at masusurpresa.



Dahil ako ang Voltes Team volting in.



Ako si Narda na lumunok ng bato.



Ako si Dyesebel na nagbabackstroke sa Manila Bay.



Ako yung nagiging berde kapag galit, Green Horny!



Ako ang Japanese Monster Bukkake.



To all my FRENS (Kenndra, Dax, Weng, Gheri) , Miss ko na kayo. Ituloy na ang night out! TAENA!



Imeelyn, Maraming Salamat sa maraming beses mong pagsagip sa akin mula sa bangin.



Em-Ar, Tanduay Ice tayo! Mwah!



Team J (Ang kaunaunahang Team na kumupkop sa akin, na halos karamihan ng original cast ay pumanaw na rin.)

Team Vans, Team Ruwi, Team Marion, Team Andro,

Team SPITFYR (WOOHOOO! BIG HUG!)



And to the rest of my GIRLS, BOYS and the GANG. - See you when I see you. Orgy tayo minsan.





To all of you ETELECARE/STREAM peeps, there are no GOODBYES, just HELLOS.





Hello, Ako si POLE, a Monster Bukkake.















"I will color the world one step at a time..."




Sunday, March 13, 2011

SINGKIT



"Naniniwala ka ba sa love at first sight? Eh at second sight?"

- My Amnesia Girl




Nagsimula ang lahat nang dumaan ka sa harapan ko.
At sinundan ko ng tingin ang bawat hakbang mo.
Tinunton ko ng mga sulyap kung saan ka patungo.
Dalawang dipa ang layo mo mula sa akin.
Tumingin ka.
Singkit ang mga mata mo.
Sa unang araw na ito ng buhay ko na minarkahan ng iyong pagkatao,
At sa bawat haplos ng mga sulyap ko sa mukha mo,
Nalaman kong ikaw ay totoo.
Hindi ako makapagsalita.
Bago ko pa naisipang umiwas, nahulog na ako sa iyo.
Palihim akong sumusulyap sa iyo mula sa gilid ng aking mga mata.
Habang umiiwas sa tuwing titingin ka sa akin.
Nakikipaghulihan sa bawat titig mo.
Pilit kong hinahagilap ang ngiti mo,
Mula sa madilim na sulok na kinatatayuan ko.
Hinahagod ng aking pilik mata,
Ang bawat kalamnan na bumabakat sa suot mong asul na kamiseta.
Ginusto kong hawakan ka at madama ang iyong balat,
Ang init ng iyong hininga,
At ang manipis na buhok na gumuguhit sa iyong tyan.
Maghihintay ako.
At kung aalis ka na,
Magpapasalamat pa rin ako.
Dahil kahit sa maikling panahon,
Naranasan ko ang lubos na kasiyahan.
Ikaw ang langit na aking abot kamay,
Na minsa'y idinalangin ko sa isang bahaghari.


"I will color the world one step at a time..."