“Labing-apat na taon na si Crisanto ng magdiwang ito ng kanyang kaarawan. Nang araw na iyon, binangga ni Cris ang mundo. Dinumog ang lahat ng kaabang-abang. Ginamit nya ang salita upang ipagtanggol ang sarili mula sa mundong walang pagmamahal. Ngunit alam ni Cris, kagaya sya ng Nanay nya. Naghihintay sa kung anumang alam nilang hindi naman darating.”
-DUDA (Cris Pablo)
"I will color the world one step at a time..."
Friday, June 26, 2009
Thursday, June 25, 2009
JANE
“The most important things to do in the world are to get something to eat, something to drink and somebody to love you.”
- Brenda Ueland
- Brenda Ueland
Nangangarap siyang pumayat.
Pangarap nyang maging payat, sexy, maalindog at makuha ang lahat ng lalaking gusto nya. Pero heto sya nakaupo sa office table kaharap ang Country Style double-decker sandwich. Pero kahit naman sino pwedeng mangarap, hindi ba?
Kalahating oras na lang bago mag-lunchbreak. Kalahating oras syang nakatitig sa latest edition ng paborito nyang magazine. Hindi nya binabasa ang anumang nakasulat doon. Bakit ba kailanagan nyang basahin? Libo-libong salita tungkol sa How To Keep Your Man, How To Spice Up Your Sex Life, How To Spot The G-spot. Puro walang kabuluhan. Walang kinalaman para sa kanya. Wala pa syang naging maayos na boyfriend. Binibili nya ang magazine, hindi dahil sa cover lines.
Binibili nya ang magazine, lahat ng edition nito, dahil sa mga litrato. Uupo sya, pagmamasdan ng mabuti ang mga makikintab na larawan ng mga ilang minuto. Bawat isa. Halos malusaw ang mga modelo sa larawan sa pagkakatitig nya sa mga hita, maliliit na bewang, bilog na mga boobs, makikinis na balat. Sinisimulan nya ito sa mukha, sa magkabilang cheekbones, sa heart-shaped na baba, pababa sa katawan. Marahan at walang makakaligtaang kalamnan.
Meron syang ilang paborito. Pag-uwi nya sa bahay ginugupit nya ang mga larawan ng mga paborito nyang supermodels. Si Heidi sa kanyang sex appeal, Si Alessandra sa kanyang mga labi, si Tyra sa kanyang mga mata, at si Gisele sa kanyang katawan. Bago pa man sya paghinalaang isang lesbiana, isa lang ang hihilingin nya kung hihimasin nya ang isang magic lamp. Lalabas ang isang gwapo at hubad-barong genie. At kung magkakaroon sya ng isang kahilingan, hindi nya hihilinging manalo sa lotto. Hindi rin sya hihiling ng true love. Kundi ang magkaroon ng isang mala-supermodel na katawan, parang si Gisele Bundchen. At mapapanatili ang isang magandang katawan, gaano man karami ang kainin nya.
Siya si Jane. Matakaw. Malakas lumamon. Madalas niyang mapansin ang mapanghusgang tingin ng mga taong nakakasaluboong niya kapag naglalakad siya sa mall. Kapag kumakain siya sa labas. Ginagawa niya ang lahat, balewalain lamang sila. Mabait si Jane. Matalino, masayahin at maalalahanin. Pero hindi yun nakikita ng mga tao. Dahil ang nakikita lang nila, si Jane na mataba.
Hindi nila nakikita kung ano ang nakikita ni Jane sa harap ng salamin. Ang malambot at makintab nyang buhok. Hindi nila nakikita ang kislap sa mga mata nya. Kung gaano kaganda ang mga labi nya. Walang anumang espesyal. Pero para sa kanya natatangi ang mga iyon. Mga best features nya.
Hindi sya naniniwala sa diet. Dahil para sa kanya, ang buong buhay nya ay isa nang malaking DIET. Dahil sa oras na itinigil ang pagkonsumo ng isang pagkain. Ang pagpipigil na ito ay magiging pagnanasa. Hanggang sa hindi ka na makapag-isip ng maayos. At ang tanging paraan para mawala ang pagnanasa ay kumagat sa isang tsokolate. At ang isang simpleng kagat ay mauuwi sa isang buong cake.
At ngayon nakaupo sya sa office table nya. Kinakagat ang sandwich. Lumilingon sya sa paligid. Tinitingnan kung mayroong nagmamasid sa kanya. Walang nakatingin. Walang nanonood. Binuksan nya ang drawer. Kinuha ang isang bar ng Cadbury. Pinunit ang kulay lilang papel at palarang nakabalot dito. Kumagat sya. Nasundan pa ng isang malaking kagat. Ilang segundo lang ang lumipas, wala na ang tsokolateng kanina lang ay hawak nya.
"I will color the world one step at a time..."
Tuesday, June 23, 2009
SAPOT
“Sometimes I miss you so much and I can’t understand it.”
--- Jack Twist (Brokeback Mountain)
Bakas ang sunog ng sigarilyo at katol sa lumang kamagong na aparador. Marahang lumalangitngit ang nakabitin na salamin sa kinakalawang na mga kwerka. Matagal nang wala ang mga hawakan ng mga drawers. Sa loob ng aparador, patung-patong ang mga librong tatlong dekada na ang tanda. Sa isang maliit na asul na kahon, nakatago ang halos isang daang sulat. Makukulay na kinupasang sobre at papel na pinaglapatan ng mga salita ng pag-ibig at pamamaalam.
Nalalatagan ng alikabok ang berdeng kobre-kama at mga puting unan. Hindi pantay-pantay na nakasabit ang mga kwadro. Larawan ng mga batang lalaki at babae. Nakadungaw sa maingay na daan ng Kalye Salcedo ang mga makukulay na salamin at kapis ng bintana. Bahagyang nakabukas upang makapasok ang hangin at sinag ng araw sa maliit na kwarto.
Sa tabi ng pasimano, nakatayo ang isang lumang telebisyon. Black and white. May sariling kayumanggi at malaking kaha. May sariling pinto. May malalaking speakers sa magkabilang tagiliran. Maingay ang pihitan ng tuner. Dalawang dekada na rin itong hindi nagagamit. Ang ibabaw nito ay naging patungan ng isang babasaging plorera. Isang laruang kabayo na nililok sa kahoy. Napanalunan sa perya.
Sa pagitan ng telebisyon at paanan ng kama, may isang upuan na yari sa narra. Bakas dito ang bilog na puwitan ng tasa. Alaala ng magdamagang pagpupuyat. Mga gabi-gabing pagbabasa ng libro at pagsusulat ng liham. Sa ilalim ng upuan, nakapila ang isang pares ng top-sider at bota. Pudpod na ang swelas ng top-sider. Nakangiti at halos humiwalay na ang swelas ng bota. Ang lahat ng ito ay nababalutan ng alikabok at tae ng butiki. Dumikit na ang magkahalong agiw at alikabok sa kahoy na kisame. Bumalot na rin ito sa pundidong bumbilya.
Sa isang sulok ng kisame, naroroon ang isang malungkot at umiiyak na babaeng gagamba. Naghihintay sa isang pangako. Sa isang inasahang pag-ibig. Isang dahilan kung bakit pinipilit nyang mabuhay. Naghihintay sa isang di tiyak na pagbabalik.
Dalawang linggo na ang nakalipas. Nagkaroon ng sumpaan ang dalawang magkasintahang gagamba. Isang gabi, tanglaw ang sinag ng bilog na buwan. Nagpaalam ang lalaking gagamba. Maghahanap ng pagkaing lamok at langaw. Ang sabi nya sandali lamang sya. Ang mga huling salita nya ang tanging pinanghihinawakan ng babaeng gagamba;

“HINTAYIN MO AKO RITO, PAGBALIK KO SABAY TAYONG GAGAWA NG SAPOT.”
"I will color the world one step at a time..."
TRANSFORMERS
“Patay na si Megan Fox?” habang inililipat ko ang cellphone sa kabilang tenga. Bumagal ang taxi at lumiko sa kaliwa. Gusto ko mang malungkot pero ganoon talaga ang buhay. Mahalaga sya sa akin. Hindi ito inaasahan.
“Ok lang ako,” ang sabi ko. Habang gumuguhit ako ng pusa sa nahamugang bintana ng taxi. Tumingin ako sa labas. Malakas pa rin ang ulan. Huminto ang taxi. Nakatingin sa akin ang driver habang kinukuha ko ang isang daang piso sa wallet ko. Lumabas ako ng taxi. Tumakbo ako at hinanap ang ER. Nakita ko doon ang isang eksenang noon ko lang nakita sa buong buhay ko. Narinig ko ang beterinaryo na nagsabing “Stand clear”. Habang hinihiga nya si Megan. Hawak ng doktor ang dalawang maliliit na resuscitation paddles. Pagkatapos ng pitong beses na pagkuryente sa dibdib ng kaawa-awang pusa. Pinunasan ng doctor ang noo nito at nagsabing, “OK, oras na talaga nya.” Makikita sa mukha ng beterinaryo ang pagkadismaya. Tinanggal nya ang mga rubber gloves sa kamay nya at itinapon sa basurahan. At ang umiiyak na nurse ay tinakpan si Megan ng maliit na puting tela.
Naaalala ko pa noong una ko syang makita. Naglilinis ako noon ng kotse. Narinig ko ang bawat iyak nya. Sinundan ko kung saan ito nanggaling. Natagpuan ko sya sa basurahan. Nakabalot sya sa isang plastic bag. Isang mutaing itim na pusa. Kinupkop ko sya. Ginawan ko sya ng tulugan mula sa isang yantok na basket na pinaglagyan ng prutas. Gumawa rin ako ng maliit na kitty litter box. At kapag mamimili ako ng groceries, kasama na sa listahan ang gatas at Whiskas nya. Mabilis syang lumaki at tumaba. Malikot at mapaglaro. Tuwing malakas ang ulan na may kulog at kidlat, tumatabi sya sa akin sa kama.
Midnight ang dating pinangalan ko sa kanya. Kaya lang madalas syang magkasakit. Sinisipon at hinihika. At nang isinama ko ang bestfriend kong si Karen sa Vet Clinic. Para ipagamot ang pusa. Madalas nya itong tawaging Megan Fox. Kahit na ilang beses na sinabi ng beterinaryo na lalaki ito. Minsan umaalis ng bahay si Megan. Siguro nature na talaga ng mga pusa ang mamasyal. Umuuwi din sya bago pa ako makarating sa bahay mula opisina. Pero isang araw, hindi sya umuwi. Sinabihan ko si Yaya na anatabayanan ang pag-uwi ni Megan. At paghandaan na sya ng pagkain. Baka sakaling umuwi sya at gutom na gutom. Lumipas ang tatlong araw. Napanis na ang inihandang pagkain ni Yaya. Wala pa rin si Megan. Nag-aalala ako sa kanya.
Habang tinatapos ko ang mga paperwork sa opisina. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Yaya. Nakita na nya si Megan. Nasa garahe. Nakahiga sa isang sulok. May maliliit na hikbi. Duguan ang kaliwang mata. May sugat sa tagiliran at isang paa. May nagmalupit kay Megan. Tinawagan ko si Karen na dalhin si Megan sa Vet Clinic.
Lumiipas ang isang linggo magmula ng pumanaw si Megan. Nag-jogging ako at pauwi na. Nakasalubong ko ang isang emo na tuta. Pasuray-suray sya kung lumakad. Parang galing sa gimik. Parang lasing. Parang tumira ng sampung boteng Grande. Tumigil sya. Tumumba. Binuhat ko sya at inuwi sa bahay. At sa espiritu ni Mother Teresa, binigyan ko sya ng pangalan. Siya na si Shia LaBeouf.

Sunday, June 21, 2009
FLIGHT
"Behind every cloud is another cloud.”
-- Judy Garland
" I will color the world one step at a time... "
-- Judy Garland
Location: Angat, Bulacan
Location: Intramuros, Manila
Location: Morong, Bataan
Location: Morong, Bataan
" I will color the world one step at a time... "
Saturday, June 20, 2009
ASUPRE
Mayo 1991, kakarating lang ni Marco sa isang studio type apartment. Ang napili nya mula sa sampung nakita nya sa peryodiko. Nakangiti syang pinagmasdan ang apat na dingding ng apartment. Sapat na espasyo para sa mga paintings nya. Iniisip nya kung paano iaayos ang pagkakasabit ng mga ito sa dingding. Matagal syang nakatayo sa harap ng puting dingding. Naka-pamaywang. Parang nasa isang Art Museum sya. Parang nakatitig sa Spolarium.
Matapos ang eksaktong tatlumpung minutong pagtitig sa dingding. Nag-ayos siya ng mga gamit. Isinandal nya sa dingding ang limang painting na dala nya. Ito ang unang pagkakataon na naipagsama-sama nya ang mga iyon ng maayos. Tuwang-tuwa sya. Habang pinagmamasdan niya ang mga gawa nya. Makikita sa mukha ni Marco ang pagmamalaki.
Pero alam ni Marco, pansamantala lang ang kasiyahan na naramdaman nya. Pakiramdam nya huli na lagi ang lahat para sa kanya. Iniisip nya na hindi na sya magtatagal. Anim hanggang sampung taon na lang daw sya mabubuhay. At kailangan na nyang gawin ang lahat ng dapat nyang gawin. Dahil mabilis lumipas ang panahon.
Sa madaling panahon, nagawa nya ang isang istilo na masasabi nyang kanya. Madilim at malungkot na magkakasalungat na kulay. Malaki at matingkad na guhit. Asupre ang itinawag nya sa unang painting na ginawa nya sa apartment. Mahigit sa isa ang nagagawa nya sa isang araw. Ito raw ang tunay na pintor. May brutal na kamay ng higante. Mga ugat ng isang nagwawalang babae. Isang misteryosong kaluluwa. Orihinal. Malungkot. Nag-iisa. Sya lamang ang nakakagawa ng isang matingkad, makintab, mala-kalawang na kulay.
May mga nakilala syang ibang pintor na naging kaibigan nya. Ngunit walang makatukoy kung ano talaga ang sakit nya. Anu pa man ang dahilan, hindi raw sya nababaliw. Itinulak ni Marco ang sarili hanggang sa hangganan. Nagpinta sya maghapon. Mas madalas sa gabi. Madalang sya kumain. Uminom ng maraming kape at alak. Naging chain smoker.
Nakilala ni Marco si Clara. Modelo si Clara sa isang nude painting session na dinaluhan ni Marco. Maganda si Clara. Maputi. Mahaba ang buhok. Isang hostes. Nahulog ang puso ni Marco sa kanya. Ilang beses sya niyaya ni Marco na kumain sa labas. Sa lahat ng pagkakataong iyon, tumanggi si Clara. At sa huling beses na nagkita sila. Dinukot ni Marco ang isang Swiss knife mula sa bulsa nya. Hiniwa ni Marco ang sariling braso. Isinulat ang bawat letra ng pangalan ni Clara.
Magmula noon, hindi naging madali ang buhay para kay Marco. Isang kaibigan ang bumisita sa kanya minsan. Maayos na nakipagkwentuhan sa kanya si Marco. Ngunit bago sya umalis para magpaalam. Kinailangan nyang pigilan si Marco sa pag-inom ng isang boteng thinner.
"I will color the world one step at a time..."
Friday, June 19, 2009
GATILYO
"It takes two men to make one brother."
- Israel Zangwill
“Mabuti naman ako at maayos ang kalagayan,” sumulat sya sa utol nya. Magmula nang tumigil sya sa pag-inom ng alak. Gumaan ang pakiramdam nya. Sinubukan rin nyang tumigil sa paninigarilyo. Pero hindi maiwasan ang pagsindi ng isang stick sa tuwing mag-iisip sya.
Dalawa lang silang magkapatid. Ang utol nya ang itinuturing nyang bestfriend. Tatlong taon ang pagitan ng edad nila. Sya ang kasangga nya sa tuwing may maghahamon ng away sa kanya sa eskwela. Ang utol nya ang gumawa ng love letter noong unang beses syang manligaw. Ang utol nya ang tinakbuhan nya nang mabasted sya. Ang utol nya ang nagtanggol sa kanya nang pinagalitan sya ng Tatay nila. Dahil bumagsak sya sa Trigonometry.
Nang mag-asawa ang utol nya , naisip nyang kailangan na rin nyang harapin ang buhay ng mag-isa. Dahil hindi habambuhay na aasa sya sa utol nya. Gumawa sya ng plano. Umupa sya ng sariling apartment sa Makati. Doon nya ipinagpatuloy ang pagpipinta. Sa Laguna naman nagpatayo ng sariling bahay ang utol nya.
Hunyo 1993, binisita sya ng utol at hipag nya. Kasama ang pamangkin nya na ipinangalan sa kanya. Masaya siyang nakipaglaro sa pamangkin nya. Ipinasyal nya ito sa Manila Zoo at Luneta. Tinuruan nya itong gumawa ng eroplanong papel. Maglaro ng yoyo. Mag-dribble ng bola.
“Kumusta naman si Marco? Dahil ipinangalan nyo sya sa akin. Ayokong lumaki syang kagaya ko.” Pagpapatuloy nya sa sulat. Magmula nang nagsarili sya, pakiramdam nya hindi naging tahimik ang buhay. Maging ang pagbisita ng pamangkin nya ay bumagabag sa kanyang kalooban. Gusto nyang tumulong sa pagpapalaki rito. Pero nang maubos ang kanyang naipon. Ang utol nya ang sumoporta sa kanya. Buwan-buwan syang pinapadalhan ng pera. Para sa pagkain, pambayad ng bahay at panggastos nya. Ang sabi ng utol nya, bayaran na lamang daw nya kapag naging sikat na pintor na sya.
Noong isang taon, nakapagbenta sya ng painting sa unang pagkakataon. Pero hindi iyon naging sapat para mabawasan ang bigat na nararamdaman nya. Nagpatuloy sya sa pagsulat, “ Hindi ko na kailangang isigaw kung ano ang nararamdaman ko. Lumalabas ito sa mga pinipinta ko. May nagsabi sa akin, napakalungkot raw ng mga gawa ko. Madilim.”
Pakiramdam nya nag-iisa sya. Nawalan sya ng tiwala sa sarili, sa lahat ng bagay. Pagkatapos nyang magsulat, itinupi nya ito. Inilagay sa bulsa ng suot nyang jacket. Kinuha ang revolver na nakapatong sa mesa. Hiniram nya ito sa isang kaibigan. Umakyat sya ng rooftop. Makulimlim ang hapon na iyon. Itinutok nya ang baril sa dibdib. Ipinutok. Bumagsak sya.
Nagising sya. Duguan ang kanang bahagi ng dibdib. Tumayo sya. Pumasok sa kwarto. Dumating kinagabihan ang kaibigan nya. May dalang hapunan. Pinuntahan sya sa kwarto. “Sinubukan kong magpakamatay. Pero di ako napuruhan.”
Tumanggi syang tanggalin ang bala sa dibdib nya. Nagpahinga sya. Kalmado. Nanigarilyo. Kinabukasan dumating ang utol nya. Magkasama sila buong maghapon. Marami silang napagkwentuhan. Ang kabataan nila. Ang eskwela. Mga pangarap. Pinilit syang kumbinsihin na magpagamot. Tumahimik lamang sya. Pakiramdam nya wala ng natitira pang ilusyon para sa kanya. Walang hanggan ang kalungkutan.
Tumingin sya sa utol nya na kapwa nangingilid ang luha. “Gusto ko na umuwi.”

Thursday, June 18, 2009
ALIN ANG TOTOO?
"All truths are easy to understand once they are discovered; the point is to discover them.”
---Galileo Galilei
"I will color the world one step at a time..."
---Galileo Galilei
Matapos ang ilang araw na pag-iipon ng mga sagot at comments. Ipapamahagi ko na ang CRAYOLA AWARD.
Heto ang aking kasagutan;
1. Hindi totoong ipinanganak ako sa Vietnam. Hindi rin Vietcong ang Nanay ko. Pero Kapampangan kami. Ipinanganak at lumaki ako sa isang fishing village sa Abucay, Bataan.
2. Totoong naliligo ako sa dagat noon. Pero kumakain ako ng bangus kahit madalas akong matinik. At hindi rin totoong allergic ako sa hipon. Gustong-gusto kong magpahipon.
3. Thundercats nga ang paborito kong cartoons. Pero hindi ko niyaya ang mga kapatid ko para tumalon sa ilog. Dahil sobrang liit pa nila para gawin yun. Papatayin ako ng magulang ko kapag ginawa ko yun.
4. Oo, nagpunta kami ni Tatay sa Cindy’s. Pero kasama si Nanay at mga kapatid ko. Apat kaming magkakapatid noon. Kaya dapat pantay-pantay. Bawal mag-inggitan. Hindi lang minsan kung magpunta sa Cindy’s. Every weekend nagpupunta kami doon. Nakakalungkot nga lang ng biglang nawala ang Cindy’s. Wala na ring Thundercats. Wala na rin yung pridyider namin na dinikitan ko ng maraming stickers. Batang Cindy’s ako, kaming magkakapatid. Kaya ipinangalan nila sa isang kapatid ko, CINDY.
5. Ang Dyesebel nga ang unang pelikulang napanuod ko sa sinehan kasama ang pinsan kong babae. Hindi totoong naglublob ako sa tubig pag-uwi ng bahay. Kinabukasan ko ginawa yun. At wala rin kaming bath tub. Sa malaking batya ko ginawa.
6. Kung ito ang sinagot mo. Sa iyo mapupunta ang award! Ito ang unang pagkakataon na sinabitan ako ng sash. Haha! Paksyet kasi ang mga kaklase ko. Masyadong nabighani sa kagwapuhan ko. Pero mas gwapo yung nanalo. Kaya First Runner Up lang ako. Bawat klase may kanya-kanyang rehiyon na i-re-represent. Kami ang Rehiyon XI. Nakakangawit palang tumayo at pumalakpak sa entablado ng dalawang oras.
7. Dahil sinabi ko na kung alin ang totoo. Malamang, kasinungalingan din ang #7. Pero Bok, hindi man lang kita nakita nung umuwi ka. Alam ko nandito ka sa Maynila. Pero hindi tayo nagkikita. Nasa magkabilang panig kasi tayo. Malamang nagpupunta ka pa rin sa Malate. Ingat ka lagi. Kahit anuman ang mangyari, makakayanan mo. Pareho tayo eh. Sobrang lakas ng loob. Saludo ako sa’yo.
8. Isang kurso lang ang kinuha ko noong college. Mechanical Engineering. Magulang ko ang pumili. Di ko kasi alam kung anong gusto ko. Kasi ang pangarap ko nung bata ako ay maging pari. Alam kong hindi ako tatanggapin sa simbahan kaya di ko na lang tinuloy. Hindi pa ako graduate, may isang semester pa ako. Pinag-iisipan ko pa kung tatapusin ko.
9. Nakita ko ang sarili ko sa gitna ng inferiority complex at identity crisis. Nagrebelde ako. Kaya nagpunta ako ng Maynila. Mag-isa. Hindi isang libo ang dala kong pera. Kundi three-hundred lang. Nakitira ako sa mga kakilala. Nakahanap ako ng magandang trabaho. Hindi totoong gumawa ako ng props at backdrafts. Hindi rin totoong naging PA ako sa fashion shows. At lalong hindi totoong naging nude model ako! Ako ang nagdrowing dun sa nude. Dahil gumawa ako ng maraming painting at maraming pangarap. Computer technician ang trabaho ko ngayon. Tuwing gabi.
10. Limang taon na nga ang lumipas. Limang taon na humubog sa pagkatao ko. Dahil sa pagmamahal ko sa pintura. Naging mabait sa akin ang buhay. Hindi pa ako nakakarating sa Manila Bay. Hindi pa ako nakakatuntong sa Baywalk. Hindi ko pa rin napapanood ang paglubog ng araw doon. Pero umuuwi ako ng Bataan. Sa tubig-dagat ako nagmula. Sa tubig-dagat ako babalik.

AT ANG MGA NAGWAGI;
Syempre may award din ang lahat. :)
"I will color the world one step at a time..."
Tuesday, June 16, 2009
THE COVER
"There was a little girl
Who had a little curl
Right in the middle of her forehead;
And when she was good
She was very, very good,
But when she was bad she was horrid.”
--- Henry Wadsworth Longfellow
"I will color the world one step at a time..."
Who had a little curl
Right in the middle of her forehead;
And when she was good
She was very, very good,
But when she was bad she was horrid.”
--- Henry Wadsworth Longfellow
Sya si Kim, Hoshi's little sister. Little sister ko na rin. Matapos nya akong i-treat ng dinner at sine, kailangan ko raw syang i-feature sa coloring book ko. Hay. Ilang gabi ko rin pinag-isipan. Sige na, heto na nga... naka-post na.
Goodbye Days ni YUI ang kinakanta nya. Kung sino man si Yui, di ko sya kilala. Pero yung movie na pinagmulan ng kanta ang napanuod ko. Taiyou no Uta , kagaya ng usual stories namatay ang bida. Baka humaba pa ang introduction, kaya heto na enjoy na lang ang video. Salamat!
Goodbye Days ni YUI ang kinakanta nya. Kung sino man si Yui, di ko sya kilala. Pero yung movie na pinagmulan ng kanta ang napanuod ko. Taiyou no Uta , kagaya ng usual stories namatay ang bida. Baka humaba pa ang introduction, kaya heto na enjoy na lang ang video. Salamat!
"I will color the world one step at a time..."
Subscribe to:
Posts (Atom)