“By persistently remaining single,
A man converts himself into a permanent public temptation.”
-Oscar Wilde
Paluwas ako ng Maynila noon. Galing akong probinsya.
Alas-tres ng hapon ako nakasakay ng bus.
Kagaya nang nakagawian, umupo ako sa may bandang likod.
Hindi sa likod na likod, hindi rin sa gitna, basta sa may bandang likod. Katabi ng bintana.
Nag-stop over ang bus sa San Fernando , Pampanga upang magsakay ng pasahero.
Unti-unting napuno ang kaninang halos walang laman na bus.
Nakita ko syang sumakay, suot ang asul na t-shirt at maong na pantalon na punit ang kanang tuhod.
May dala syang dyaryo, Philippine Star.
Mga 5’7” sya. Kayumanggi. Matipuno. Semikalbo.
Naghahanap sya ng mauupuan. Pero nilagpasan nya ang unang dalawang bakanteng upuan. At umupo sya sa tabi ko.
Magkadikit ang mga hita namin nang umupo sya. Dumikit din ang braso nya sa braso ko.
Matigas ang muscles ng braso nya.
Kinuha nya ang dyaryo. Binuksan. Nagbasa sya. Nakibasa din ako nang patago.
Pero palihim ko ring sinusulyapan ang mukha nya.
Paminsan-minsan nahuhuli ko syang nakatingin sa akin.
Babawiin ko ang tingin, babaling ako sa bintana at ngingiti.
Sa kahabaan ng NLEX, di pa rin nya tinatanggal ang pagkakadikit ng hita at braso nya sa akin.
Naramdaman kong gumalaw ang hita nya. Ikinikiskis nya yun sa hita ko.
Nilabanan ko rin o siguro muscle reflex ko lang.
Ganun din ang ginawa nya sa braso nya na nakadikit sa braso ko.
Nakatingin sya sa akin. Ngumiti ako. Ngumiti sya.
At nakapatong na ang kaliwang kamay ko sa hita nya.
Dinukot nya sa bulsa ng pantalon ang cellphone nya.
Akala ko nagtetext sya. Pero pinakita nya sa akin ang tinype nya.
Tinype nya ang phone number nya. Dinukot ko rin sa bulsa ko ang cellphone ko.
Kinopya ko ang number nya.
Nagtype sya ulit. ANO NAME MO?
Tinext ko sya. MARK, u?
Tama, MARK ang hook up name ko. Walang kinalaman dun si Mark Bautista. Yun lang ang unang pumasok sa isip ko.
Nagsalita sya. Bumulong. ANTHONY.
Ngumiti ako.
Tinanong nya ko, SAAN KA NAKATIRA?
Sumagot ako, SA CAINTA, IKAW?
Sabi nya, SA QUEZON AVE.
Ngumiti ako. Nasa Quezon Ave na pala kami at bababa na sya.
Pinagmasdan ko syang bumaba ng bus.
Pagbaba nya. Tumingin sya sa akin. Nakangiti sya at nagtext.
“MAY PLACE KA BA?”
Sinagot ko, UHM, OO. ALAM MO BA ANG STA LUCIA?
Sumagot sya. “YUP. PUNTA LANG AKO SA BOARDING HAUS, TAPOS PUNTA NA KO DUN.”
Sagot ko, CGE KITA TAU DUN LATER.
Bumaba ako sa Cubao. Sumakay ng jeep papuntang Cainta.
Nagtext sya. “NANDITO NA AKO SA STA LUCIA.”
Di ko alam, pero ang bilis nya, naunahan pa nya ako.
"I will color the world one step at a time..."