Thursday, October 8, 2009

KAKU



Well that's what we do, we fight...
You tell me when I am being an arrogant son of a bitch and I tell you when you are a pain in the ass.
Which you are, 99% of the time. I'm not afraid to hurt your feelings.
You have like a 2 second rebound rate, then you're back doing the next pain-in-the-ass thing.
So it's not gonna be easy. It's gonna be really hard.
We're gonna have to work at this every day, but I want to do that because I want you. I want all of you, forever, you and me, every day.
Will you do something for me, please? Just picture your life for me? 30 years from now, 40 years from now? What's it look like?
If it's with him, go. Go! I lost you once, I think I can do it again.
If I thought that's what you really wanted. But don't you take the easy way out.

- Noah, THE NOTEBOOK






Alam ko, naiintindihan ko. May mga bagay na nawawala, natatapos. Biglaan. Hindi ka handa. Minsan hindi mo rin maintindihan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Minsan haharap ka sa isang kaibigang ibang-ibang na sa kaibigang kilala mo noon. Maaaring iba na ang mga bagay kumpara noong simula. Maaaring natatakot ka sa hinaharap. Maaari ring inaabangan mo ang kinabukasan.


Alam ko nasanay ka na sa isang buhay na kasama sya. Minsang iisa lang kayo. Ngunit ngayon, tumatakbo na ang oras sa pagitan ninyong dalawa. Sumisikip. Hindi na kayo makagalaw. Ibang-iba na talaga ang lahat. Maaaring nagbago ka na. Maaaring nagbago na sya. Maaari ring pareho na kayong nagbago. Habang nabubuhay sya sa hinaharap. Patuloy ka pa ring umaasa sa nakaraan. Maaari ring ang kabaligtaran.


Alam ko galit ka. Pakiramdam mo mag-isa ka. Naguguluhan. Mahahanap mo ang mga kasagutan kapag tumigil ka na sa pagtatanong. Maaaring naiinis ka. Pakiramdam mo sobra na. Pakiramdam mo naghihintay ka sa wala. Pakiramdam mo kinalimutan ka na. Maaaring nawawalan ka na ng pag-asa. Maaaring wala ka nang pakialam. Maaaring nauubusan ka na ng pasensya. Maaaring napapagod ka na, sa pagmamahal at sa pag-asa.


Alam ko, hindi madaling tumanggap ng payo. Dahil kadalasan sa bandang huli ang nasa puso mo ang nasusunod. May katigasan kasi ang ulo mo. Madali kasing magbigay ng payo kaysa isagawa ito. Minsan kasi gusto mo lang ng kausap. Nais mong makinig. Gusto mong mapakinggan.


Kung magmamahal ka, ipakita mo. Ipadama mo. Makinig. Kahit paulit-ulit ang pangyayari, hindi ibig sabihin na dapat mo itong balewalain. Bigyang pansin ang maliliit na bagay. Maaari lamang manatili ang tao ng napakatagal. Huwag hayaang matangay ka na lang ng agos ng oras at panahon. Pwedeng magpahinga. Ngunit huwag manatili. Magpapatuloy ang buhay. Hindi titigil sa pag-ikot ang mundo kapag huminto ka. Maging masaya. Higit sa lahat mahalin mo ang sarili mo.






" I will color the world one step at a time..."

31 comments:

saul krisna said...

the notebook? waaah ang gaanda nun ah... the best. anyway im glad at okay ka na...

Herbs D. said...

i love noah. hes like my fictional soulmate. Minsan, may mga tao kasing takot ipadama ang kanilang nararamdaman sa dahilang takot silang masaktan.

PinkNote said...

i hope happy puso ka na talaga acrylique..:) see you tomorrow ha? picture-picture tayo!=D

wtsrudi said...

love the entry, pole..... damdam na damdam ko po.... and I love the QUOTES - both from The Notrebook & SOUZA.... I feel you...

madz said...

Kaya pala familiar ung mga linya na un, sa The Notebook pala 'yun. Favorite ko 'yang movie na 'yan. *LOVE*

Anyway, tama, pwedeng magpahinga. Nice piece of advice.

eliment said...

ayos..ganda ng lines..

tama ka sa sinabi mo..na kpag nagmahal ka dapat ipakita..di kase sapat na sabihin mo lang..

puzzle said...

Mahalin mo ang sarili mo ~ sa tingin ko, higit sa lahat, ito ang nalilumutan ng marami sa atin.

an_indecent_mind said...

malalim at ramdam na ramdam ko, dahil pareho nga tayo ng pinagdadaaanan kagaya ng komento mo sa isang post ko...

"Huwag hayaang matangay ka na lang ng agos ng oras at panahon"

tama ka..

ingat lagi!

tim said...

just ask about sa mga wonderful words mo.. hehehehe.. galing mo talaga, san yun nkuha, notebook ba?

ACRYLIQUE said...

@saul krisna

- Binabasa ko ulit yung book. Hay, nakakaiyak pala. Thanks. Yup, I will be always fine. Just let of the bad feelings. :)

ACRYLIQUE said...

@Herbs D.

- Hehe. soulmate talaga? I love him too. :)

Minsan tumatakas lang sa commitment ang iba. *SIGH*

ACRYLIQUE said...

@PinkNote

- I really hope so. :)
I hope i can attend. I really wanna go. Wanna see you all. :)

ACRYLIQUE said...

@madz

- Fave ko din yun. Salamat ng marami. :)

ACRYLIQUE said...

@wtsrudi

- Thanks rudi. Btw, I already finished half of the project. See you soon. :)

ACRYLIQUE said...

@eliment

- Yup! Salamat! :)

ACRYLIQUE said...

@puzzle

- Kasi maraming nakakalimot sa sarili kapag nagsimula na nagmahal. :(

ACRYLIQUE said...

@an_indecent_mind

- I hope you're doing ok. Ingat ka rin lagi. We can make it. :)

ACRYLIQUE said...

@tim

- Salamat! yung quote, from the notebook.

The rest, sinulat ko sa notebook ko. :)

chikletz said...

"Higit sa lahat mahalin mo ang sarili mo."

panalo yan! grabe damang dama ko ang post na to. super related ako.

Maxwell5587 said...

"Hindi titigil sa pag-ikot ang mundo kapag huminto ka". - i like this line. and i like this post. :)

♥superjaid♥ said...

"Kung magmamahal ka, ipakita mo. Ipadama mo. Makinig. Kahit paulit-ulit ang pangyayari, hindi ibig sabihin na dapat mo itong balewalain."

ito naman ang fave line ko..ganda nito kapatid..^__^

<*period*>; said...

pssst, minsan labas tayo..hindi mo pa tinutupad promis mo na minsan lalabas tayo.hindi ka na rin dumadaan sa blog ko.hmf.

imissyou

kheed said...

d notebook.. maganda nga yung pelikula na yan..

im so glad to know dat your happy na.. smile ka lang lagi..

dhyoy said...

yeah be happy... maraming nagmamahal sayo...

ACRYLIQUE said...

@chikletz

- Si Ondoy kasi, dinagdagan pa ng Pepeng basa.

ACRYLIQUE said...

@Maxwell5587

-hehe. Salamat!

ACRYLIQUE said...

@♥superjaid♥

- Maganda kasi tayo! :)

ACRYLIQUE said...

@<*period*>;

- Meganown? hehehe.
Sige one time labas tayo. :)

ACRYLIQUE said...

@kheed

- Salamat! Someone might be loving my smile. :)

ACRYLIQUE said...

@dhyoy

- Salamat sa lahat ng nagmamahal sa akin! :)

www.segovia-3d.com said...

This can't actually work, I suppose like this.